2012
Hello. Welcome sa’yo. Ako ba welcome sa’yo? Salamat ha? Ang ganda ng salubong mo saken eh. Saktong 12am umiiyak ako ng patago. Bakit ganyan ka? Sinakto mo pa talaga. Thank you sa pagwelcome mo saken. Nakakatouched eh. Naiyak nga ako diba? Well, happy new year mo sa’yo na lang.
Uy, sana naman sa taong toh maintindihan na ko ng ibang tao. OO, sabihin na nating I am not good enough to anybody.. Pero sana naman alamin muna nila ang reason behind that bago sila magcomment diba? Yun ang problema sa mga tao eh. Pakituruan nga please. Salamat.
Alam mo, yun ang pinagpray ko kay God. Na sana, sa taong ito, may taong handang umintindi sakin gaya ng pag-intindi ko sa mga taong mahal ko. Lagi na lang kasi ako ang umiintindi. Minsan kasi nakakapagod na.
Naniniwala ako kay God na in His perfect time, darating din yun. Excited na ko.
Gaya nga ng nabasa ko kanina,
“He makes everything beautiful in His perfect time.”
-RiCh








